Tumatanda Na Tayo No. 3

Noong nakaraang March 4, 2011 ginamit ko sa kauna-unahang pagkakataon ang isa kong vacation leave (VL) upang ayusin ang aking buhay. Future life that is. Matapos ang mahaba-habang pahinga buhat ng aking ikalawang college graduation at ng Board Exams, oras na para itaya ang buong taong 2011 sa paghahanda sa katuparan ng aking malalaking pangarap. Iyon ay ang makaaral sa United States ng PhD Chemistry at magtapos sa nasabing kurso mga anim o pitong taon mula ngayon.

Dahil sa alanganin na para sa Fall 2011 semester kung mag-a-apply ako, naisip ko sampu ng ilang kaibigan na kumuha muna ng MS Chemistry or MS Environmental Science units dito sa Pilipinas habang nag-aantay sa pagdating ng Fall 2012 (Septiyembre). At para rin hindi naka-tengga ang utak ko. Ample time to prepare na iyon at at least, ‘di ako hagulgol sa oras. Mula sa choices ko, I narrowed things down to either: 1) MS Chemistry sa Ateneo, 2) MS EnviSci sa UP-Diliman, 3) MS EnviSci sa Ateneo, in order of priority. Syempre, habang inaayos ko iyan, patuloy pa rin akong maghahanap ng mga graduate schools sa United States. At noong araw na iyon, sinamantala ko ang pribelehiyo ko bilang regular employee na pumunta sa isang mini-school fair na sponsored ng Fulbright Commission at ng Philippine-American Education Foundation (PAEF).

Inuna ko muna ang pagpunta sa UP Diliman para magtanong. Dito nagsisimula ang tunay na discussion ng topic ng blog entry na ito.

Akala ko noong una, nasa Villadoid Hall pa rin ang Institute of Environmental Science and Meteorology (UP-IESM). Mali pala, kaya ayon, sayang ang pasakay ko sa Jeep Toki. Nasa isang lugar daw s’ya na “CSRC” kung tawagin. Ngunit hindi ko narinig ang huling titik C, nagkamali nanaman ako. Pero hindi na ako umabot sa CSR, na apparently malayo pala, as in ang kulang na la’ng  halikan n’ya ang entrance ng Madonna della Strada Church. Haha exagg joke la’ng. Anyway, nasa Jeep Ikot ako at dalawang beses kong pinapaalala sa driver na kailangan kong bumaba sa IESM. At mukhang ‘di n’ya rin alam. Pero noong nasa may College of Science na ako at kamuntik nang lumampas, isang napakagandang kolehiyalang (true story!) katabi ko ang biglang tumapik sa akin sa braso at nagsabi:

Kolehiyala: Uhm, Sir sa IESM po kayo ‘di ba?
Ako:Uhm yes! Where is it?
Kolehiyala: That road by the College of Science building lang po Sir. Lakad la’ng po ng kaunti. (Sabay turo sa bintana sa isang kalyeng may kaunting kahabaan, at unfortunately, walang jeep na dumadaan.) Sa SCRC po.

Eh, sa ganda n’ya nalimutan ko nang marinig ‘yong second C ng CSRC. Pero that’s off topic. So, bumaba na nga ako at nagsimulang maglakad. At habang naglalakad, doon ako napaisip:

Sir. Po. Grabe, wait la’ng, wala pa akong trenta anyos ah!

Actually sa college, mamo-monitor mo ang iyong pagtanda. Sa first year, lahat Ate at Kuya mo. Ikaw ang pinakabagets. Second year, may tumatawag na sa iyo ng Ate o Kuya, pero kalaunan kapag naging kumportable na sila sa iyo, nickname-basis na la’ng din tawag nila sa iyo. Also applies sa mga may Grade 7 na may upper batch na hanggang Grade 6 la’ng (in my case, ako si Grade 6). Sa third year, tatawagin ka na talaga ng mga freshies na Ate o Kuya, respeto na rin. May ibang matutulad at ‘di ka na tatawaging Ate o Kuya kalaunan, pero bihira. Second in command ka na sa food chain. Pero at least may mas matanda pa sa iyo na pwede mong tawaging Ate o Kuya (o hindi mo na rin tinatawag na Ate o Kuya dahil minsan naging kumportable ka na rin.) Fourth year and fifth year, wala ang tawag na sa iyo ng buong sambayanan ay Ate o Kuya. Ikaw na. Minsan, lalo na kung may super senior year ka, sa sobrang premature awkwardness ng mga freshies, may matching po ka pa.

At paglabas mo ng paaralan, welcome to the corporate world! Pwede ka pang tumawag ng Ate o Kuya, pero ‘yong mga mas mababa sa iyo ang rank, kahit mas matanda pa sa iyo, tatawagin kang Ma’am o Sir. Minsan nga kahit ka-rank mo, gano’n pa rin ang tawag sa iyo, for formality’s sake. But I beg to differ. Kung medyo naku-cool-an ako kasama, okay na ‘yong Ate o Kuya. Pero iba na kung manager up, s’yempre.

At sa paglipas ng panahon, forever ka nang Ma’am o Sir. Soon, Mommy o Daddy ka na pati. Tapos Lola o Lolo na.

The endless cycle of life hay. Wala la’ng. Narito na pala ako sa stage na ito. Intimacy versus Isolation.

Sabi nga ng After Image, we are next in line. Damn!

Hmmm hindi ito ‘yong tunay na music video nito pero interesting! Grabe, saktong tama lang. Sa 2000’s decade ako nagkamulat na ganap eh.

Next Tumatanda Na Tayo entry: Ang bilis mo na mapagod! ‘Di no na kayang makapag-PS3 more than two hours! Oldie! Abangan!

Pahabol: Ah, oo after UP-Diliman pumunta ako saglit sa Ateneo then sa Fulbright sa Makati. Yes, naligaw akong muli. Haha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s