Tumatanda Na Tayo No. 2

Noong nakaraang December 22, 2010, nagpa-renew ako ng aking non-professional driver’s license. Bukod sa tumaas na ang singil ng LTO, may isang napakalaking pagbabagong napuna ko matapos kong makuha ang bago kong lisensya: ANG AKING TIMBANG. Mula sa dati kong timbang na 50 kg (110 lbs) noong 2008, nasa 66 kg (145.2 lbs) na umano ako sa pagtatapos ng nakaraang dekada.

Tumangkad din naman daw ako, mula 174 cm (5′ 8.5″) hanggang 178 cm (5′ 10.1″). (Hindi ako gaanong bilib though sa aking pagtangkad, since height is always variable, kahit sa loob ng isang araw.)

Troy payatot, Tingting, Negligible Weight. Ilan lang ‘yan sa mga palayaw ko no’ng araw buhat high school pa (bukod sa Espasol). Sobrang payat ko noon, oo. Actually, nagsimula ako ng kolehiyo nang timbang na 38 kg (83.6 lbs). Ganito ako kapayat noong una akong pormal na tumapak sa Ateneo bilang mag-aaral (Hau’Oli: Ateneo Freshman Orientation Seminar 2005, Day 1):

Wala ako halos ipinagbago sa timbang simula high school. Or actually, mas payat pa siguro. Pagkakatanda ko, noong ako ay first year pa lamang, nasa 32 kg (70.4 lbs) pa lang ang timbang ko. Unti-unti (as in sobraaa) siguro akong nadagdagan ng timbang hanggang sa pag-graduate. Ito na ‘yong pinakamabigat ko noon bago ako naging Atenista:

Kahit sino mang kaibigan ko ang tanungin mo, sasabihin nilang NAPAKALAKAS kong kumain. Palaging dalawa ang order ko sa mga restaurant, palagi akong naka-extra rice, etc.. Ngunit kahit ganoon, hindi ako lumobo nang sobra. Umabot hanggang mga third year college na naglalaro ang aking timbang sa 38-45 kg. Noong fourth year (batay na rin sa luma kong lisensya), tumungtong na ako sa wakas sa 50 kg, dala na siguro ng mga stress at emotional eating na dinadanas ng mga magtatapos na mag-aaral. (Actually, noon nasa 47 kg lang ako, ni-round up ko la’ng sa takot na hindi i-renew ng LTO ang lisensya ko dahil underweight ako.) Pero gano’n. Super bilis ng aking metabolism. Ang kulang na la’ng kahit ang mga kubyertos kainin ko at sa pag-come contact sa aking tiyan, malusaw rin. Anyway.

So, nagtapos (nang dalawang beses) sa Ateneo na isang payatot. Pagka-graduate ko, may trabaho kaagad ako, kasabay nang pagbabalik-aral para sa isa nanamang lisensya (Chemist Licensure Examinations). Doon nangyari ang hindi inasahan ninuman, kahit ako.

Matapos lamang ang isang buwan siguro, maraming cargo shorts ko ang hindi na kasya sa akin. May kasikipan na rin ang mga XS kong t-shirt. Ilan sa mga dating loose kong polo ay fit na sa akin ngayon. Pagharap ko sa salamin, may malaking tiyan na bumulaga sa akin. Kumuha ako ng medida, 31″ ang baywang ko na! Mula 24″! Grabe. At nang tumungtong ako sa timbangan, lumampas na ang karayom na dating ‘di man lamang maabot ang 60 kg-mark.

Nakastre-stress ang mag-review para sa ChemBoards, sobra. (Mantakin mo, four years’ worth of chemistry, isisiksik mo in three months of cramming!) Tapos kahit nagko-commute ako sa trabaho, ‘di ako gano’n ka-intense maglakad (‘di dati no’ng estudyante pa, animo magkabilang-dulo ng Ateneo ang lagi kong binabagtas). Dahil kumikita na rin ako, mas nakabibili na rin ako ng mas maraming pagkain para sa sarili.

Or simple la’ng. Talagang tumatanda na lang talaga ako. Probably totoo ‘yong you-stop-growing-vertically-and-start-growing-horizontally-at-twenty-one-years-old theory.

At any rate, nag-eehersisyo na ako nang mas frequent ngayon. Nabawasan na ako ulit nang timbang (mga 3 kg?!) pero ‘di naman ako balik sa dati kong lampayatot na katayuan. Normal BMI na rin ako (23) sa wakas.

At dahil napag-uusapan na rin ang pagtaba, narito ang isang paborito kong revive ng Radioactive Sago Project:

Next Tumatanda Na Tayo entry: Aba, tinatawag ka nang Ser! At ino-opo-an ka na rin! Gurang na you?! Abangan!

Pahabol: Sa mga gagawin pa la’ng ito, true story ‘yong tungkol sa pagpapa-renew pagkatapos ng birthday! Imbis na sa 2012 mag-expire ang akin, sa 2013 pa! Parang may bonus akong isang taon!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s