Tumatanda Na Tayo No. 1

Bagong taon, bagong mga gimik. Para sa akin, ito ang unang tangka kong mag-blog sa wikang Tagalog. Or at least, dito sa WordPress.

Kasabay ng bagong taon, nadadagdagan din ng isa ang aking edad. Malapit ang kaarawan ko sa Pasko eh. Wow, twenty-two years na pala ako rito sa planet Earth. Hindi ko nga gaanong namalayang dalaginding na pala si Angel Chee, ang pinaka-una kong inaanak (well, not strictly pamangkin sa pinsan, may mas nauna pa sa kanya) na itinuturing ko ring anak ko. Mantakin mo ‘yon, nakatapos na pala ako ng elementarya at hayskul.

Nitong nakaraang dekada, ang daming artistang Pinoy na namatay (si Redford White na ba ‘yong pinaka-latest?). Karamihan ‘yong mga popular noon sa TV, lalo na no’ng ‘di pa uso ang cable. Mula la’ang sa Home Along da Riles dati, ang dami nang kasama ni Lord ngayon. Grabe, tumatanda na sila. And guess what, ako rin pala. Mahusay la’ng talaga ang mga angkan ko sa mother side (Gatmaitan at Cervantes) at kahit anong tanda namin ‘di kami nagkakaputing buhok (Hi, Lola Ninay!).

Pero kalimutan na ang buhay telebisyon. Sa hayskul, kung saan sabi nila pinakamataas ang hormonal rage ng isang tao, doon din niya nakikita ang mga pinakamatatapat niyang kaibigan, at kasabay nila ang mga pinakamasasayang alaala. Nang panahong iyon masarap mag-rebelde at sumuway sa batas (lalo na ng paaralan at ng magulang haha!) — hayamo sila, narito kaming barkada mo para sa iyo pare!

So, mula sa entry na ito, aking babalikan ang yaong mga masasarap na alaala ng kahapon na hindi na kayang ibalik. Simulan natin sa mga lumang tugtugin — literally.

Napakapangit naman ng salubong ng 2011 sa Philippine music industry. Well fine, siguro, nakalulungkot na la’ng ang kataga. Si Ebe Dancel, aalis na sa Sugarfree. Si Champ aalis na sa Hale. Naalala ko tuloy, dati ‘yong mga kanta nila gaya ng Hari ng Sablay at The Day You Said Good Night kinukumpasan namin ng gitara, sabay birit ng mga gustong kumanta. Tuwing recess at lunch break. Masaya na kami roon (syempre, may Counter-Strike at Ragnarok pa kasi sa hapon, at masaya na rin kami sa dial-up).

At ang humabol pang balita, nitong January 9 la’ng: disbanded na ang Bamboo. Medyo late ko na nalaman, kaya nalulungkot talaga ako. Para sa amin dati (syempre iba pa rin sina Ely Buendia ng Eraserheads/Mongol/Pupil, Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar, at Raimund Marasigan ng Sandwich), si Bamboo Mañalac ay isa sa mga diyos ng Pinoy alternative rock. Napariwara man siya dati sa ipinagbabawal na gamot, at least bumalik siya nang taas noo with a matching “HOY PINOY AKO!” Sa kanya ko maiuutang ang unang spark ng sense of nationalism sa aking kaluluwa. Saludo ako sa iyo pare!

Pati ang Barbie’s Cradle, Eraserheads, at Mojofly (Delara na sila ngayon, pero still most are not the original members) wala na rin pala. And so the list goes on.

Wala la’ng. Parang sa pagkaka-disband, a large chunk of my self was taken away from me. There goes another part of my childhood, isip ko nga sa sarili ko. Sa kabilang dako naman ng Kanluran, ang dami na ring mga gusto kong banda ang nagsi-hiatus na. Nariyan ang The CallingThe Corrs, at Matchbox Twenty (though this 2011, gagawa raw ng bagong album ang MB20). Matanda na nga talaga ako.

Naiisip ko na la’ng, ano kaya ang pakiramdam ni Mommy no’ng nag-disband din ang AsinBeatles, The Carpenters, at iba pa? E’di ganoon din, tulad siguro ng nararamdaman ko lately. Pero life must go on, kasi sabi nga ng After Image, we are the ones who are next in line.

Pero parang ayaw ko pa eh. Parang gusto ko palaging hayskul na lang, suma-soundtrip la’ng kapag recess, nagpapakopya ng homework kapalit ng isang CD ng porn, etc. ‘Yon ang tumatakbo sa utak ko until I got to read this tweet from Chito Miranda:

Na actually ay ini-RT niya mula kay Gary V. It hit me. Tama nga. Matapos nga naman ng hayskul, ‘di ko naman dinala ‘yong pink radio na iyon ni Bespren Deu (ay, sa Ate niya pala iyon hehe) sa kolehiyo. Sa halip, nag-aral ako. Oo at nabuhay pa rin ang musikang Pilipino noong panahong iyon, pero habang nagpapaka-dalubhasa ako sa dalubhasaan (orihinal na Tagalog for “college”), ini-e-explore din ng mga artistang yaon ang kanilang future life. Sabihin na la’ng nating may mas maganda silang nakitang options. At gaya ng mga naunang mag-disband sa kanila, ganoon din ang nangyari. Cycle of life baga.

Tumatanda na tayo. So far, ‘di pa disbanded ang top two favorite Pinoy bands ko — Parokya Ni Edgar at Sandwich. Balang araw (pero sana hindi muna ngayon, huhuhu) maghihiwa-hiwalay rin sina Chito at ang Parokya, si Raimund at ang kanyang bandmates. Pero hindi ibig sabihin noon ay mawawala na rin ang musika nila. Ibig sabihin la’ng noon, may mas magandang plano sa kanila ang Panginoon.

Pero let’s face it — darating din ang panahon na magiging baduy na ang tugtugin natin sa ating mga anak. Oh, well papel.

Tatapusin ko ang entry na ito sa kantang Awit ng Kabataan ng Rivermaya. Haaay, vocalist pa nila noon si Bamboo M.

Next Tumatanda na Tayo entry: Hala, tumataba ka na! At dati lampayatot ka! Abangan!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s