Ang Daming Nagugutom sa Mundo, Atenista Ka Pa Rin

Saw this in my Multiply account again. This was a repost from a fellow Atenean’s blog (her name was Nicole). Truly inspiring! (I think this was released during some controversies regarding our Immersion Program last year. Nonetheless, this is a very good read.)

In defense of the Atenean community.

Atenista ako. Pero marunong akong mag-diretsong Tagalog. Atenista ako. Pero marunong akong makipagtulakan sa MRT at isiksik ang sarili ko sa kakarampot na espasyo sa jeep. Atenista ako. Pero hindi ako gumagasta ng libo-libo sa isang pares ng sapatos o sa isang jacket. Wala akong kotse, wala akong driver, at lalong-lalo nang wala akong Wii o X-box o Play Station para mag-Guitar Hero at Rock Band maghapon. Pero hindi ibig sabihin nitong hindi ako singtalino at sing-galing ng ibang Atenistang meron ng mga bagay na to. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako bagay na mag-aral sa isang sikat na unibersidad. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako Atenista.

Madalas nababansagang maarte kaming mga Atenista dahil sa pananalita namin. Pero matalino lang ang mga estudyante ng Ateneo. Ang kapaligiran, mga propesor, ang estilo ng pagtuturo at pamamalakad ay dinisenyo para manganak at magpalaki ng mga studyanteng hindi lang napipilitang mag-aral ng mabuti, kundi ginugusto talagang maging mahusay sa akademya. Walang masamang maging magaling mag-Ingles. Walang masamang maging gamay makipag-usap sa mga dayuhan. Walang masamang maging marunong makipag-debate at ipaglaban ang pinaniniwalaan mo.

Mareklamo daw kami. Bakit, sa La Salle ba, walang nagrereklamo sa lakas ng ulan? Sa UP ba, walang nagrereklamo sa init ng panahon? Sa Benilde ba, walang nagluluksa pag walang kuryente o mabagal ang wi-fi? Hindi kami naiiba sa inyo. Sa lahat ng mga ganito pa rin ang ideya tungkol sa mga Atenista, wala pa siguro kayong nakakausap na dormer ng Cervini, na galing Cotabato at nagsisikap mag-aral ng mabuti kahit nag-iisa at malayo sa pamilya. Wala pa kayong nakikilalang scholar na minsan kailangang umutang sa OAA para lang may pamasahe papasok. Sila? Nagrereklamo ba sila?

Elitista daw kami. Pero hindi lahat ng Atenista mayaman o feeling-mayaman. Hindi lahat kami “sheltered” katulad nang hindi lahat nang Lasalista negosyanteng Intsik at hindi lahat nang taga-UP aktibista at hindi lahat nang taga-UST ay mga siokoy na lumulusong sa baha. Hindi porke’t “elite” ang school namin “elitista” kami. Hindi porke’t may dalawang Figaro sa loob ng campus namin hindi na namin nasisikmura ang isaw at betamax. Hindi porke’t malinis ang mga banyo namin pinandidirihan na namin ang mga Aeta. Marunong naman kaming manood ng Eat Bulaga at Wowowee at nabalitaan din namin ang break-up nina Dingdong at Karylle. At hindi lang usong damit at UAAP ang inaatupag namin. May pakialam din kami sa mundo. Alam namin ang tungkol saglobal recession at krisis sa stock market ng Amerika. Nanood kami ng SONA at naintindihan namin yon. Alam na alam namin ang banta ng global warming, kaya nga hindi na kami gumagamit ng styro. Alam naming importanteng iangat ang estado ng Pilipinas sa mundo, kaya nga kami may JTA. Alam namin ang kalagayan ng mga magsasaka sa Calatagan, kaya nga ginagawa namin lahat ng kaya namin para matulungan sila. At oo, alam naming maraming nagugutom sa mundo, kaya nga Atenista pa rin kami.

Wala pa akong isang buong taon sa Ateneo. Pero alam ko ang mga pinagsasasabi ko. Dahil sa loob ng pitong buwan sa Katipunan marami akong natutunan, nakilala, napuntahan at natulungan. Dahil nakita ko ang puso at talino ng mga taga-Ateneo. Dahil hindi ako maarte, hindi ako feeling mayaman, hindi ako mareklamo, at hindi ako elitista, pero hindi ipinagkait sakin ang pagiging Atenista.

One of Radioactive Sago Project’s albums is entitled, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin”. Vocalist Lourd de Veyra plugs, “Bilhin ninyo ang album namin, ‘… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Atenista Ka Pa Rin’.” I’m not angry at Radioactive Sago. In fact I love Lourd de Veyra. I want him to write me a song. This is just a reaction.

reference: To my fellow parents: On the meaning of an Ateneo education by Agustin Martin G. Rodriguez, Ph.D. as published in The Ateneo Way SY 2009.

Advertisements

One comment on “Ang Daming Nagugutom sa Mundo, Atenista Ka Pa Rin

  1. Reblogged this on paglayog and commented:
    I have to repost this. Dahil kahit dito sa amin, ay iba ang tingin ng mga tao sa Atenista. Katunayan ay may mga alam akong mga opisinang hindi tumatanggap ng Atenista. At nung isang araw ay may narinig akong conversation sa jeep tungkol sa pagiging mayabang ng mga Atenista- between an Atenean (defendant), at isang matandang babaeng mukhang nasa late 40s na (plaintiff). Nakaka-amuse actually. Pero yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s